Ang Aking TOP 5

STING

  • Ang larong ito’y hindi brutal ngunit kailangan mo ring gumamit ng lakas para magwagi. Hindi lang halata pero ang saya-saya nitong laruin, marahil ay tahimik lang din talaga ako, ‘di tulad ng iba kong kamag-aral na nagsisigawan at nagtatawanan pa. Challenging din naman talaga yung variation nito, talagang mas exciting. Exciting dahil pwede kayong magsabwatan ng iba mong kalaro para burutin yung isa pa. Sa gupo namin, napagdesisyonang si Philip ang burutin kaya iyon, habang hinahabol s’ya ng mga daliri naming, reklamo s’ya ng  reklamo na kulang na lang ay bumitaw sa amin at tumakbo papalayo. Noong si Mac naman na ang naisipang burutin, bumitaw s”ya sa amin para lang hindi mahabol.




SISISKI

  • Ang original na mechanics ng game na ito ay sadyang napakabrutal kaya binago ng kaunti para ‘di magkasakitan ng todo. Ang sa akin lang, ang exciting itry nung original mechanics nito. Tipong pagkatapos nyo maglaro ay sobrang dami n’yong hindi na makagalaw sa sobrang sakit ng katawan o ‘di kaya’y mayroon nang nainjured at nasugatan. Liksi at talino ang kailangan dito para manalo, at iyong ang nangyari sa amin, mayroon ngang oras na pabwelo pa lang kami, nakascore na agad ang team naming dahil sa isang kakampi na sobrang liksi sa paghuli sa talampakan ng kalaban. Masaya rin yung variation nito, sa team naming at sa mga katabi ko, nagsilbi akong taga pigil sa mga kalaban naming. Masaya akong sabihing nagtagumpay ako sa pagsasagawa ng planong iyon. Si Benet naman, dinaganan pa n’ya yung kalaban n’ya para lang hindi ito makapalag at makapuntos kami ng marami. Sa huli, ang team naming nag nanalo! Ang saya, bragging rights eh, lalo na’t nasa kabilang team si ma’am.


AGAWAN PANYO

  • Sa unang tingin, hindi s’ya brutal na laro ngunit doon ako nagkamali. Tipong “no blood, no foul” ang larong ito. Siguro sa original mechanics, masasabi kong hindi nga ito brutal ngunit noong lagyan na ng variation ang laro, iyon na ang simula ng kalbaryo. Sobrang saya nitong laruin tipong pagtapos na kayong maglaro, doon mo lang mapapansin, puno na ng sugat ang kamay mo, tipong may  napakaliit na parte ng kamay mo na nabalatan. Hindi s’ya masakit, mahapdi lang lalo na’t matutuluan ng pawis mo. Sa ikalawang variation naman, dito na lumabas ang pagkacompetitive ng mga tao. Si Mac nga, nilalamog na ng mga kakampi ko, di pa rin binibitawan ang panyo. At dahil sa baka nga maagaw ng maga kakampi ko ang panyo, kahit kakampi n’ya ay naituring n’yang kalaban.
 

ASWANG-ASWANGAN and FAMILY


  • Unang nilaro sa aming klase, kaya dapat kasama! Joke, kasama ito sa TOP 5 ko dahil, mukha mang hindi, pero, oo talaga eh, muntik na kaming maglaro ng iba’t ibang variation ng aswang – aswangan. Hindi yung laro yung nakakasawa, kundi yung paulit ulit na pagdradrawing ng bilog na may iba’t ibang disenyo na tutugma sa totoong pangalan ng lkalaruin naming na tila nga parang aswang – aswangan lang din. Merong nagdrawing ng pentagram, ‘eclipse’, ‘after eclipse’, halfmoon, at maraming bilog! Minsan nga, naririnig ko kina Benet and friends, “ayan, aswang – aswangan nanaman ang lalaruin natin” o ‘di kaya’y “napupurga na ko sa bilog”. Nakakatuwa lang isipin sapagkat kahit tila baga paulit – ulit naming nilalaro ang aswang – aswangan, tuwing playtime ay makikita mong nag eenjoy ang lahat! Tawa rito, tawa roon, sigawan ditto, sigawan doon.



LAWIN AT SISIW


  • Itong larong ito ang ‘d best para sa akin! Bakit? Dahil, makikita mong enjoy na enjoy ang lahat habang ang motherhen at ang lawin ay halos mamatay sa pagod. Masayang maging taya o lawin, natry ko eh, pero aayaw ka rin talaga kapag round 2 na. Para bang death wish ang hanap mo kapag sa round 2 ay ikaw pa rin ang lawin, ganun din sa motherhen, pag bibo ang lawin, dapat bibo rin s’ya para maprotektahan ang “chikies” n’ya. Oo, masasabi ko ng buong loob na nagpakabibo ako sa larong ito at super hiningal ako pagkatapos, syempre, si kuyang “motherhen” ay pagod na pagod din. Masaya rin yung 2nd variation ng laro. tipong “no blood, no foul” ang tema! Kala mo merong riot na nagaganap. Sa pagkakaalam ko nga, dapat yung dalawang lawin at dalawang motherhen lang ang magkakatunggali pero nung naglaro na, aba, ang mga chikies, nag-ala motherhen o lawin na rin! Riot kung riot ang nangyari, sayang lang, walang na injured. Joke! J