Ang Aking TOP 5 Part2

ISIKSIK MO PA BABEH


  • Hindi ako bias, talagang nag enjoy lang ako sa larong ito dahil kahit reporter ako, nakapaglaro ako at naexperience kong makisiksik! Nakakatuwa lang isipin na ang saya pala kapag nakita mong nag-eenjoy ang mga tao sa game na inimbento mo. Ang saya pa nito nung last variation na namin, kung mag agawan sa pwesto ang group 4 at 1, wagas na wagas! Hinila pa palabas ng playing area si Mathew! Natawa talaga ako dun, although kawawa si Mathew. Nakakatuwa talagang panuorin na nagkakagulo ang mga tao kaya kung makasisiksik na lang ay parang bahala na si batman. WAGAS!


LABANAN SA MACTAN

  • Itong larong ito ay masasabi kong 'di makakalimutan ng lahat! Para lang talagang rineact namin yung totoong labanan sa mactan. Habang naglalaro pa lang kami, ang dami ko nang naririnig na "isa 'to sa top5 ko". Noong hari pa si Wili, kaya pa ng team namin. Nakascore pa nga kami eh. Pero noong s'ya na ang tagasugod, ayun! Momes na kami! Limang tao na ang pumipigil sa kanya pero s'ya chill lang kami i-push back. Kala mo naglalakad sa park! Ang haba-haba pa ng galamay! 'yung pagkaextend ko ng braso ko, hanggang siko lang n'ya tapos sya hanggang kabilang braso ko abot n'ya! MOMES na MOMES ako! Kapag katabi ko pa s'ya nanliliit ako. :) (walang pic, sayang! 'di na namin narineact dahil walang korona.)


 ANGHEATAN
  • Speaking ng mainit na panahon at gusto mo magbasa, ito na ang game na sagot sa problema mo! Ang sumali sa game na ito, bwal hindi mabasa ('di ba ma'am?)! Feel ko, kaya wala kaming reenactment nito kasi, ang effort or effort talaga ireneact nito. Hahahaha! Nakakatawa lang dahil sa original game, akala mo ligtas ka na kasi kayo ang mambabasa, 'yun pala, pwede n'yong basain ang sarili n'yo depende sa lalabas sa dice! Feel nga namin nung una, luto ang laban! dahil dalawang beses na magkasunod na binasa ng mambabasang team ang sarili nila! Pero fun pa rin, basaan eh.Nakakatawa pa kasi kung nasaang team si ma'am, iyong team na iyon ang hindi babasain! Pero di talaga kami papayag na hindi mababasa si ma'am, buti na lang may final round! Basaan ng kahit na sino! Ayun, sa wakas, nabasa namin si ma'am. PS. sorry po kung binasa namin kayo kahit may class pa kayo next sa amin. Walang personalan, katuwaan lang! Joke. Peace ma'am! :))


ROCK AND ROAD(ROLL) 




  • Itong game na ito ang tunay na rock and roll! Hindi dahil mapapaheadbang ka, kundi dahil head mo ang gamit sa pagpapagulong ng itlog! :)) Itong game din na ito ang magpapatunay na matigas talaga ang ulo! Itong game rin na ito ang magpaparealize sa'yong kawawa ang mga itlog kapag ginagamit sila sa kahit mga laro. Kung sa ibang laro, mababasag lang ang itlog, dito, hindi lang basta basag ang mangyayari sa itlog, DUROG! Durog na durog ang itlog sa game na ito, aakalain mong minurder ang itlog dahil sa mga nagkalat na laman nito sa playing area! Nakakatawa pa kasi kawawa 'yung mga girls na mahaba ang buhok, nagmistulang walis tambo ang kanilang buhok habang naglalaro! :)


PEOPLE'S POWER

 
  • 'Di ko alam pero bakit ang lakas nung group na kalaban namin? Hahahahaha! Ako 'yan , napabitaw sa mga groupmates ko noong second round, buti na lang , hindi ako nakaladkad! Kawawa ka talaga pag nakaladkad ka ng kalaban mong group, parang 'yung nangyari lang kay Third, nakaupo na s'ya sa sahig pero yung group na kalaban namin, tuloy sa pagtakbo, ayun, nakaladkad tuloy s'ya. Ang game na ito ang tuna na "people's power"! hahahaha!