Tunay ngang hindi kahina-hinayang ang pagpapabalik-balik ko CHK para magprerog ng Philippine Games ni Ma’am Jo-Ann Grecia. Segway muna ako, pakilike ang fanpage ni ma’am, eto o: http://www.facebook.com/pages/Maam-Jo-ann-Grecia-ng-UP-CHK/134528416558398. Anyway, gusto ko ring magpasalamat kay ate Abby dahil kung hindi dahil sa connections nya kay ma’am, marahil ay pumaparttime job nalang ako ngayon at namiss ko na ang kalahati ng aking buhay sa UP.
Araw ng pagtutuos, unang meeting naming para sa summer class, benta agad si ma’am. Sa pagkakadescribe n’ya ng mga gagawin namin, talaga namang mag-eexpect ka ng malaki. Sa totoo lang, noong una, ‘di ko lubos maisip na mag-eenjoy ako dahil nga ang Philippine Games ay patungkol sa mga larong pambata. Aba, college na ako, kami, so pano kami ngayon mageenjoy sa mga ganitong klase ng laro, yung iba pa ay tipong hinalukay pa sa baul ni lola. Matapos ang unang meeting namin ng paglalaro, dito ko napagtanto, ang sarap pala bumalik sa pagkabata. Ang mga larong inakala ko’y makaluma at hindi na kapanapanabik ay biglang nagbigay saya sa akin, sa amin. Tawa rito, tawa roon, sigawan dito, sigawan doon, iyan ang palaging nangyayari sa tuwing kami’y maglalaro. Tipong wala nang bukas kung makatawa at sigaw. Haluan mo pa ng di mamatay na fighting spirit para lang manalo.
Ngayon, bawat araw ay aking kinapananabikan. Hindi mapakali na sana, Philippine games na ulit. Bawat minuto ng paglalaro’y sinusulit. Bawat segundong lumilipas ay itinatabi. Ngayong summer, tuwing ika – 1 ng tanghali, ako’y nagbabalik sa pagkakaisip bata at walang tigil na nagsisiya.